Picture


Direktor: Ruel S. Bayani

Mga Aktor: Angel Locsin “Grace”, Angelica Panganiban “Jacqueline”, Ding Dong Dantes “Edward”, Zanjoe Marudo “Tristan”


            Ang bawat pelikula na lumalabas sa MMFF ay may kadugtong na genre na idinidikit ng mga manonood dito. Ang Sisterakas – komediya, ang Shake, Rattle, and Roll – horror, habang ang One More Try naman ay tinaguriang bilang isang nakakaiyak at nakakakilig na drama na puno ng pag-ibig at trahediya.

            Hindi panibago sa ating mga Pinoy ang manood at lumikha ng pelikulang drama. Usong-uso sa atin ang mga love team, love traingle, at love rivals. Kung tutuusin nga karamihan ng mga drama na gawa sa Pilipinas ay may isang karaniwang balangkas na sinusunod. Sa simula, may lalaki at babae na nagmamahalan at masaya ang buhay nila pero may palaging sisira sa kasayahan na ito sa anyo ng isang kabit o ribal na babae na makikipagaway sa orhinal na babe ng lalaki para maangkin ang atensyon ng babae. Gamit na gamit na ang story ito at ilang beses na rin akong pumsok sa sine para panooring ang isang pelikula na pinapangako ng mga trailer na isang “story to remember” at lumabas na nakaramdam ng pagbigo at pag aksaya ng pera dahil sa pauli-ulit na balangakas ng mga pelikula pero ang lahat ng ito ay nagbago ng mapanood ko ang One More Try.

            Tatlongput walong taon ng ipinagdidiwang ang MMFF at sa bawat paglipas ng taon inaasahan natin na nagbabago rin ang mga balangas at ideya ng mga pelikula natin. Malayong-malayo na tayo sa mga panahon ng paniniwala sa ideyal at perpektong pag-ibig, ngayon katulad sa nangyari sa estoriya ng One More Try nabubunyag na ang mga kontrobersiyal na ideya katulad ng pag bali sa stirktong panuntunan tungkol sa pagiging sagrado ng pagtalik. At para sa isang manonood na sanay sa mga generic na balangkas mabibigla ka talaga sa estorya ng pelikulang ito dahil kakaiba talga siya.

            Habang pinapanood mo ang pelikula siguradongmaiisip mo na wow malaking pagbabago talaga ito ah, ‘di na puro pag-away sa isang lalaki kung ‘di may aktual na problema talaga silang dapat ayusin at napaka kontrobersiyal pa ng solusyon ng problemang ito!” Paano naman kasi sino ang ‘di mahihirapan sumagot kung bigla mo nalang nalaman na may anak pala sa iba ang asawa at higit pa doon kailangan magka anak pa ulit sila para lang maligtas ang buhay ng orhinal na anak niya. Dito sa kalaliman ng problema na ito mo nakikita ang napakalaking hakbang paharap na nangyari sa genre ng drama.

            Kung susuriin walang kaduda-duda na ang pelikulang ito ay maka moderno ‘di lang dahil sa pagkagamit ng teknolohiya katulad ng invitrolization kung hindi dahil rin sa mga ideya na pinapalabas ng estorya katulad ng pagbebenta ng katawan ng isang ina para mailigtas ang anak at ang paggamit sa pagtatalik sa isang solusyon at ‘di akson ng pagpapakita ng pagmamahal. Pero kahit na komplikado ang problema ng estoriya ‘di parin talaga nawawala ang pagiging ‘di reyalistiko sa ilang aspekto ng estoryang ito partikular na ang katapusan kung saan nagmukha lang na ‘di alam ng manunulat ng estoriya kung paano talaga tapusin ang gawa niya dahil kahit malayo mangyari na magkabati pa ang dalwang babaeng bida sa nangyari sa kanila at bigla nalang magiging bati pinilit talaga niya na taousin ang kuwento sa isang happy ending kasi dito naman talaga sanay ang mga Pinoy. Dumagdag rin sa pagiging ‘di realistiko ng pelikulang ito ang pagpili ng mga magulang ng may sakit na anak na maghintay ng siyam na buwan para mapagamot ang bata kung mas madali nalang dalhin sa ibang bansa ang bata tapos ibalik ulit siya sa nanay niya pag magaling na siya. Isa pa habang pinapanood ang pelikula ilang beses pumasok sa aking isipan ang pelikulang “My Sister’s Keeper” kung saan parehong nangangailangan ang isang may sakit na bata ng isang kapatid para maligtas.

            Sa pangkalahatan ang pelikulang One More Try ay may tendesiya paring maging ‘di makatotohanan at mapanggaya sa estoriya ng ibang pelikula pero kung kukumperahin ito sa lumang pelikalang drama masasabi ko pa rin na ito ay isa sa pinka nagustohan ko at karapat-dapat lang na mapunta sa pelikulang ito ang Best Picture Award.

 
Picture
Direktor:  Wenn V. Deramas

Mga aktor:  Ai-Ai Delas Alas “Detty”, Vice Ganda “Bernice”, Kris Aquino “Roselle”, Kathryn Bernardo “Kathy”, Daniel Padilla “Angelo”, Xyriel Manabat “Cindy”


Buod: Nakasentro ang pelikula sa kalahating magkapatid na sila Detty at Bernice na parehong lumaki sa iisang bahay ng hindi nalalaman na magkapatid sila. Ang nanay ni Bernice ay isang katulong sa bahay nila Detty na nakipagrelasyon sa amo. Isang gabi na diskubre ng nanay ni Detty na may relasyon ang aswa niya sa kanilang katulong at dahil sa sobrang galit ay sinaktan at pinalayas sina Bernice at ang kanyang nanay. Dahil sa kahihiyan at inhustisya na dinanas nila, nangako si Bernice na paghigantihan ang pamilya niya. Pagkalipas ng ilang taon si Bernice ay isa na sa pinka mayamang designer, pero hindi pa rin siya kontento dahil hindi pa niya nagagawa ang kanyan paghiganti. Sa isang job interview magtatagpu ulit ang dalawang kapatid at para gantihan si Detty agad siyang tinanggap ni Bernice bilang assistant. Kasabay ng mga pangyayaring ito ang kumpanya ni Bernice ay nakikipaglaban sa isang ribal na kumpanya na kahit kalian ay hindi pa niya natatalo at matatalo lang niya ‘to kung makikipagtulungan siya sa kanyang kapatid na likas na magaling magdesign. Ang tanong nalang sa huli ay kaya ba niyang patawarin ang kanyang kapatid para maiangkat ang kumpanya niya o hahayaan nalang ba niya mahulog ang kumpanya para lang makapaghiganti?


            Ayon sa isang survey na ginawa ng Gallup noong 2011, ang Pilipinas ay pang-walo sa pinka masayang bansa sa buong mundo. Daanan man ng ilang sakuna katulad ng Ondoy ang mga Pilipino ay nananatiling masayahin at puno ng pag-asa sa buhay. Sa medaling salita masasabi na likas na masayahin talaga ang mga Pilipino. Mahilig makipagbiruan, kumanta, sumayaw, at manamit ng kakaibang makukulay na damit, ang mga ugaling ito ng Pinoy ay nagbibigay pruweba na bagay na bagay talaga sa atin ang paggawa ng mga komediya lalo ng kapag ito ay isang pelikula. Kaya naman hindi na kataka-taka na ang pelikulang Sisteraka ay bentang-benta sa mga Pinoy. Ang Sisteraka ay kumita ng 40.7 M sa unang araw ng paglabas nito at ayon pa nga kay Kris Aquino na isa sa mga tauhang gumanap sa pelikula "We set a record! Highest single day earnings for any Philippine film in history! 40.7M #Sisterakas!”

            Sa isang salita, ang Sisteraka ay isang laugh-trip. Wala ka pa sa sinehan ay napapangiti ka na dahil alam mo na ‘di lang isa, dalawa, kung ‘di tatlong reyna ng komediya ang gaganap sa pelikuka na ito. Pag-upo naman sa sine at nanonood ng mga trailer ay siguradong ‘di ka makakalampas sa anti-camcording skit kung saan komediya rin ang ginamit para mapaunawa at mapaalam sa madla ang mga batas sa sine. Habang pinapanood naman ang pelikula ay siguradong matatawa ang sino man sa mga kalokohan ng mga aktor.

            Isang dahilan sa malaking tagumpay sa pelikulang Sisteraka ay dahil sa katangitanging paraan ng bawat isang aktor na magpatawa at magpayabong sa mga manonood. Si Vice Ganda na gumanap kay “Bernice” ay agad na mapapansin dahil sa kanyang mapangbara at sarkastikong paraan ng pagsalita. Ang kanyang ugali na mahilig  magmaliit sa mga sinasabi ng mga tao katulad sa nangyari sa isang eksana kung saan tinatanong ng waiter si Vice Ganda kung mag-oorder na po sila at ang sagot naman niya ay “ah hindi nanadito ako para maghintay ng bus sa terminal at pagkalipas ng ilang sandal dudugtungan ng mga salitang “Nasa restaurant ako, malamang nandito ako para mag-order”, ay palaging nasusunuran ng malakas na halakhak sa mga manonood. Pangalawa, si Ai-Ai Delas Alas naman ay natatangi sa kanyang galing sa paggawa ng mga stunt na puno ng katawanan. Halimbawa dito ay kagagawan katulad ng paghuhuli ng isda at pagkuha ng tubig. Mga simpleng gawaiin lang ang ginagawa niya pero puno ito ng katatawanan dahil masayado itong pinagmukha na pinaghirapan. Pangatlo, si Kris Aquino naman ay makikilala sa kanyang matinik na tawa sa halos bawat na eksena na mayroon siya. Kapansin pansin rin kanyang mga isinusuot na de-kolor na pilik mata na ubod ng haba. Isama mo pa dito ang kanyang hilig na sumuot ng itim o pula at ang resulta ay isang bampira na sinisigawan ng mga bata sa sine.

            Dahil sa galing ng bawat aktor na gumanap sa Sisteraka bawat eksena ay lumalabas na katawa-tawa, pero sa kalahatan kung tatanongin ang mga manonood masasabi ng bawa’t isa na mas memorable talaga ang mga eksena kung saan nagsasama ang tatlong bida. Ang sekreto kasi ng tagumpay ng pelikula ay ‘di lamang ito nakasalalay sa galing ng isang aktor kung ‘di nakadepende rin sa talento ng lahat ng mga taong gumawa nito katulad ng mga direktor at costume artist. (Bigay pansin talaga ditto sa pelikulang ito ang mga bongang damit ng lahat ng aktor)At kung babalikan ang pelikula masasabi ng dino man an kabisado na ni Direktor Wenn V. Deramas ang ideya na ito kaya ‘di na kataka-taka na nakagawa siya ng isa pang napakagaling na pelikula na kapantay sa mga award winning na pelikula katulad ng “Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To”.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All